ST PAULS Online | Books

BOOKS

You are here: Books > Author of the month

AUTHOR OF THE MONTH


Rv. Fr. Mario Jose C. Ladra

Si Fr. Mario Jose C. Ladra ay mula sa bayan ng Calauan Laguna. Pumasok siya sa St. Francis Seminary (Lungsod ng Lipa) at sa Our Lady of Guadalupe Minor Seminary (Lungsod ng Makati) kung saan siya nagtapos ng high school. Nagtapos naman siya ng AB Economics sa San Sebastian Colllege. Nag-aral siya ng teolohiya sa Loyola School of Theology, Ateneo de Manila University at doo’y nakamit niya ang kanyang Master’s Degree in Pastoral Ministry. Inordenahan siya bilang isang pari noong Marso 9, 1989 sa ilalim ng Diyosesis ng Malolos. Bilang isang kura paroko, itinatag niya ang San Lorenzo Ruiz Parish sa Pleasant Hill Subdivision, Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan. Dahil sa ipinagkaloob sa kanya ng Diyos na biyaya ng pagpapagaling, inilalaan niya ang mga oras pagkatapos ng pagdiriwang niya ng Banal na Eukaristiya tuwing Martes ng gabi sa kanyang parokya para sa lahat ng nangangailangan ng espiritwal at pisikal na paggaling. Maraming taong mula sa iba’t ibang lugar ang dumadalo roon dahil marahil sa pagpapatotoo ng mga nakaranas ng paggaling.
Bukod dito, tumutulong din si Fr. Mar sa mga programa para sa mga dukh ng Pamayanang nasasakupan ng kanyang parokya at mga karatigpook. Siya ang Branch Director ng Consuelo Chito Madrigal Foundation (CCMF – Bulacan), at Pangulo at Executive Director ng San Lorenzo Ruiz Charity, Inc.

Shopping Cart

  • There are no items in your shopping cart.

Book Reviews

EXORCIST Volume II: Spiritual Battle Lines

We cannot thank Fr. Jocis enough for this second volume of his book on an area of our spiritual and ecclesial life that he knows by heart [...]

read more

Promos and Events